Literal na guard dog! Mabait na aso, araw-araw nag-aabang sa amo para ilawan ang daan pauwi

Higit sa pagbabantay sa bahay, isang aso ang nag-aabang sa kanyang amo araw-araw upang siguraduhing hindi ito mapapahamak sa daan.

Kakaibang talino talaga meron ang mga aso. Kahanga-hanga maging ang pagiging tapat nito sa kanilang amo.

Higit sa pagbabantay sa kanilang bahay, sinisiguro ng asong si Mao Mao na ligtas na makakauwi ang kanyang amo kapag ito ay umuwi mula sa trabaho araw-araw.

Matiyagang hinihintay ni Mao Mao ang kanyang bossing sa bus stop tuwing gabi kahit anong oras man itong umuwi bitbit ang isang flashlight dahil sobrang dilim ng daan patungo sa kanilang bahay.

Kapag nakarating na ang kanyang amo ay sasabayan ni Mao Mao itong maglakad kagat-kagat ang flashlight upang mailawan ang kalsada.

Tuwang-tuwa ang mga netizens sa aso. Samantala, sinisiguro din ng kanyang amo ang kapakanan ng alaga dahil pinapasuot niya ito ng isang reflectorized harness para makita ito sa daan at hindi masagasaan ng mga sasakyan.