Literal na Ferrari! Estudyanteng papasok ng school sakay ng kabayo sa Gingoog City, pinanganga ang netizens

Viral ang isang estudyante sa Gingoog City nang maispatang sakay ng kabayo papasok ng eskwela kamakailan.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Habang ang iba ay nag-aagawan sa tricycle o jeep, o hinahatid ng magagarang sasakyan para hindi ma-late sa school, napanganga ng isang estudyante mula Gingoog City, Misamis Oriental ang madlang netizens nang mamataan siyang papasok ng eskwela gamit ang kabayo.

Sa isang viral TikTok video na inupload ni Hev Vincent (@ce77nt), kita ang estudyante na naka-uniform at may backpack at sakay ng isang brown na kabayo habang binabaybay ang kalsada sa harap ng Christ the King College.

Wala pang official info tungkol sa estudyanteng ito pero nasa 6.3 million views na ang nasabing video.

@ce77nt Replying to @WANTED ANDOY. ♬ original sound – 🌹

Hindi na nakapagtataka kung bakit binaha agad ng mga iba’t ibang hirit ang comments section. Ani ng iba, mala-K-drama ang eksena ni kuya habang ang iba naman ay sinasabing para siyang isang karakter ng isang sikat na Wattpad series.

@ce77nt

♬ Jet2 Advert – ✈️A7-BBH | MAN 🇬🇧


“panis naka Porsche 🐎”

“Boy may naka Ferrari sa labas”

“King Eternal Monarch deleted scene”

“literal na mustang horse power😂😂😂”

“tumabi Ang lahat,dadaan Ang prinsipe”

“lakas maka hacienda ah..”

“The real Ferrari.”