‘Literal na angat buhay’: Maris Racal binigyan ng pambihirang pasasalamat ng Angat Buhay Foundation matapos mag-abot ng tulong

Aktres na si Maris Racal binigyan ng kakaibang pasasalamat ng Angat Buhay Foundation matapos mag-donate at mag-volunteer sa relief operations para sa mga nasalanta ng bagyong Kristine.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Kasunod ng matinding pinsala na dala ng bagyong Kristine, isa ang aktres na si Maris Racal sa mga agad tumugon sa panawagan ng tulong ng Angat Buhay Foundation.

Bukod sa pag-donate, nag-volunteer din ang batang aktres sa pagbubuhat ng mga kahon sa relief operations ng foundation na tinatag ni dating Vice President Leni Robredo.

Pero imbes na magkaroon ng isang traditional na kamayan at photo opportunity bilang pagkilala sa kanyang pagtulong, isang kakaibang experience ang binigay kay Maris ng mga taga foundation matapos siyang tatlong beses ihagis ng nakahiga o tinatawag na “alarma.”

“Literal na angat buhay,” sabi ni Maris sa kanyang post X.

Sa isang hiwalay na post ni Angat Buhay member John Andre Tolentino, makikita si Maris na siya mismo ang nagdala ng kanyang donasyon sa opisina ng foundation at tumulong sa pagbubuhat ng relief goods.

Nagbigay din ang aktres ng donasyong pagkain para sa lahat ng mga volunteers habang game na nakipag selfie sa mga naroon.

“The one and only @missmarisracal ! Thank you so much for directly giving your donations at Angat Buhay 🩷🌸” sabi ni John.

“nakakatuwa kasi until now andito siya!!! at tumulong pa sa pagbubuhat🥹🩷 namigay pa ng food sa volunteers,” dagdag pa niya.

Agad namang pinuri ng fans ang kabutihang loob na pinakita ni Maris at pagiging game niya sa “alarma”.