‘Like Jennie’ parody song ni Nurse Even, patama tungkol sa mga overworked nurses sa Pinas

Natawa na lang ang mga netizen sa parody song na sumasalamin sa hirap ng mga Pinoy nurses dahil sa hugot song ni Nurse Even.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Pinagkataon na ng content creator na si Nurse Even na lumikha ng good vibes gamit ang latest hit song ni BLACKPINK Jennie na pinamagatang “Like Jennie.”

Pero imbes na kopyahin ang lyrics ng sikat na K-pop star, mas pinili ni Nurse Even na gawing nursing-inspired ang tema ng kanyang version kaya’s samu’t saring reklamo ng mga Pinoy nurses ang laman ng kanyang parody song.

Naroong overworked ang mga Pinoy nurses na walang karelyebo, may assignment na halos tumawid ng floor, at higit sa lahat, kailangan pa nilang habaan ang pasensiya dahil sa uma-attitude na pasyente at mga maarteng kamag-anak nila.

Ani Nurse Even eight minutes niya lang natapos ang lyrics, marahil dahil isinasabuhay ng mga kapwa nurse niya ang mga pagsubok na ito.

Happy naman ang mga audience na sa kabila ng nakaka-bad trip na sitwasyon ay nagawa pa ring gumawa ng positibo ng mga magigiting na Pinoy nurses na patuloy lumalaban para sa kanilang mga pasyente kada araw.

“Parang di na tuloy ako curious sa original version nito sorry Jennie, satisfied na ko dito”

“LITSON!! THE CREATIVITY THO HAHAHAH”

“dimo na ako maloloko jennie..ikaw yan tlga!”