Like idol, like fans ! Mga A’TIN sa HK, nag-flash dance ng ‘Moonlight’ sa gitna ng kalye

Nagpakita ng kanilang dance moves ang mga fans ng SB19 sa kalsada ng Hong Kong.

Support kung support! Yan ang ipinakita ng mga A’TIN para sa SB19 nang sorpresa silang nag-flash dance ng “Moonlight” sa gitna ng kalye sa Hong Kong.

Nagpakita ng kanilang dance moves ang mga fans ng SB19 at kinarir ang choreo ng bagong release ng single nina Pablo, Stell, Josh, Felip at Justin.

Like idol, like fans ang naging eksena nang naglipat-lipat pa ng lokasyon ang mga A’TIN upang lalong ma-promote ang bagong track ng kanilang MAHALIMA. Maging ang outfits ay on point kaya naman napahanga ang mga nakakita sa kanila habang nagsu-shoot.

“eyyyy galing mga kaps, hope makajoin sa inyo next time”

“Woooaahhhhhh ang galing”

“Good Job A’tin”

“Ang gagaling, yeahey A’TIN HKDo it what we do in the MOONLIGHT.”

“Nag No. 1 din sa iTunes Hong Kong ang “Moonlight” sa araw na lumabas ito.”