Hakot kings ang peg ng SB19 sa ginanap na 10th PPOP Music Awards dahil bukod sa pagtanggap ng PPOP Favorite Group of the Year Award, kanya-kanyang tropeo din ang naiuwi ng Mahalima.
Dagdag pa sa kanilang group award, wagi din si PABLO bilang PPOP Favorite Leader of the Year. Si Stell naman ang nanaig bilang PPOP Favorite Vocalist of the Year.
Si Josh naman, napili bilang PPOP Favorite Rapper of the Year habang si Ken ang naging PPOP Favorite Dancer of the Year. Hindi naman nagpahuli ang bunso dahil PPOP Favorite Visual of the Year naman ang inuwing karangalan ni Justin.
But wait, there’s more: Ang kanilang A’TIN ay winner din bilang PPOP Favorite Fandom of the Year.