Isa si Vivian Sulit sa libu-libong manggagawang nawalan ng trabaho noong kasagsagan ng pandemya. Mula Dubai kung saan siya nagtatrabaho, umuwi si Vivian sa Maynila nang walang kasiguruhan kung makakabalik muli sa ibayong dagat.
Ngunit sa pamamagitan ng isang programa na nilikha ng gobyerno at pribadong sektor, nabigyan ng pagkakataon si Vivian na muling magkaroon ng trabaho at matustusan ang pangangailangan ng kanyang pamilya.
“TP STEP has had a great impact on our lives. During the pandemic, we all struggled to find employment, and TP really opened doors for greater opportunities. The program made our return to work much smoother,” paliwanag ni Vivian.
Bahagi si Vivian ng Skills Training for Employment Program (STEP) na pinapangasiwaan ng Teleperformance (TP) sa pakikipagtulungan sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).
Patuloy ang pagpapalawig ng TP ng STEP nang makipagkasundo ang kumpanya sa Pasig City Government kamakailan para makapagbigay ng hanapbuhay sa mga maralitang may kapansanan o PWD, mga indibidwal sa underserved communities, mga dating OFW, at iba pang unemployed
“Our partnership with Pasig is a first for this program. This is a very exciting collaboration, and we cannot wait to see the transformative impact of TP STEP in the lives of Pasigueños,” sinabi ni TP Chief People Officer Jeffrey Johnson.
“By equipping different impact groups with soft and hard skills, we are not merely training them to become employees, but we are also empowering these individuals to go back and contribute meaningfully to their communities,” dagdag pa niya.
Binalangkas ang curriculum ng TP STEP ng mga eksperto mula sa kumpanya upang magbigay ng kakayahan sa mga benepisyaryo nito na magkaroon ng kasanayan angkop sa contact center industry.
Noong 2023 sa unang taon ng implementasyon nito, nakapagpatapos ang programa ng 68 na indibidwal na nabigyan rin ng hanapbuhay sa TP katulad ni Vivian.