Libreng therapy para sa mga batang may kapansanan, abot-kamay na!

Nagtulungan ang DILG at REACH Foundation para mabigyan ng libreng teletherapy ang mga batang may kapansanan sa bansa.

Good news para sa mga children with disabilities (CWDs) lalo na ang mga nasa mahihirap at malalayong komunidad sa Pilipinas dahil pwede na silang makakuha ng libreng occupational, physical at speech therapy services.

Naging posible ito matapos mag-collab ang Department of Interior and Local Government (DILG) at ang Rehabilitation and Empowerment of Adults and Children with Handicap Foundation Inc. (REACH Foundation) para matulungan ang mga CWDs sa pamamagitan ng teletherapy.

“Teletherapy is any remote therapy that uses technology to help the therapist and patient communicate using mobile phone, videoconferencing and other online platforms,” paliwanag ng DILG.

“May bayad ba ito? Meron. Anong bayad? ‘Yung magulang dadalhin ang anak niya, iti-therapy at tuturuan ang magulang. Pag-uwi nila, uulit-ulitin sa bahay nila. Ang bayad dun ay yung susunod na batch, yung magulang na iyon, ia-assist yung susunod na magulang. It’s moving forward,” paliwanag ni DILG Secretary Benjamin Abalos Jr.

“Kung makikita niyo (You see), it’s very sustainable. And it’s not only intervention of the young children, but empowering also the parents,” dagdag pa niya added.

Sa ulat ng Philippine News Agency, pumirma ng kasunduan ang DILG sa pangunguna ni Abalos at ni REACH Foundation president Prof. Abelardo Apollo David Jr. sa Camp Crame, Quezon City noong Pebrero 8.