Libreng review classes, handog ng CHED para sa mga agri students sa malalayong lugar para sa darating na licensure exam

Mga agriculture students sa piling malalayong SUCs makakareview na ng libre para sa licensure exam sa Oktubre.

Good news para sa mga agriculture students na nasa malalayong probinsya dahil may libreng review classes na inilunsad para sa kanila sa darating na licensure exam sa Oktubre.

Pumirma ng kasunduan ang Commission on Higher Education (CHED), University of the Philippines Los Baños (UPLB) at mga piling State University Colleges para sa programang ito na naglalayon na masolusyonan ang kawalan ng access sa review centers ang mga agriculture students na nasa mga liblib na lugar.

“We will use the expertise of [UPLB] to conduct free licensure classes for our agriculture students who are preparing for the LEA (Licensure Examination for Agriculturists), ani CHED Chair Prospero De Vera III sa ulat ng ABS-CBN News.

Dagdag pa niya, “We do this because I recognized the struggles faced by the graduates from SUCs in remote regions during my visits. Hence, we came up with this project on a free review program on agriculture approved and funded by CHED.

Inamin naman ni Sulu State College President Charisma Ututalum na isa sa mga problema nila sa BARMM ang kawalan ng review program.

“Our students have to travel to Dipolog to take review classes. Hence, we are grateful to CHED and Secretary De Vera because he heard and took action to resolve our concern. We are also grateful to UP for opening their door by partnering with SUCs to help our agriculture students achieve their dreams,” ani Ututalum.

Ayon sa CHED, 15 SUCs ang napili para sa libreng review program dahil nakamit nila ang mga requirements tulad ng pagkakaroon ng strong connectivity at computer laboratories kung saan gagawin ang review classes.

Bukod sa nasa malalayong probinsya ang mga ito, kinakailangan ring mapabuti pa ang licensure results nito kaya sila napabilang sa programa.

Kabilang sa 15 SUCs ang mga sumusunod: Basilan State College, Batanes State College, Capiz State University (Tapaz Campus), Isabela State University (Palanan Campus), Kalinga State University, Mindanao State University (Sulu Campus), North Eastern Mindanao State University (San Miguel Campus), Northwest Samar State University (San Jorge Campus), Quirino State University, Romblon State University (Cajidiocan Campus), Southern Luzon State University (Tayabas Campus), Sulu State College, Tawi-Tawi Regional Agricultural College, University of Eastern Philippines (Catubig Campus), and University of Rizal System (Tanay Campus).