Libreng halo-halo? Mang Inasal, hatid ang sweet treat sa mga turista!

Para makatulong sa Philippine food tourism, may libreng halo-halo ang mga turista sa Mang Inasal ngayong Setyembre.

Mamimigay ng libreng halo-halo, isa sa mga paboritong dessert ng mga Pinoy, ang Mang Inasal sa mga turista sa bansa bilang bahagi ng kanilang effort na isulong ang Philippine food tourism.

“Food connects people, and at Mang Inasal, we’re proud to be a part of that connection for tourists visiting the Philippines. We’re excited to share the flavors of the Philippines with the world,” ayon kay Mang Inasal president Mike Castro.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, nag umpisang mamigay ng libreng halo-halo ang Mang Inasal nitong Setyembre 23 at tatagal ito hanggang Setyembre 27.

Para makakuha ng libreng 8oz na halo-halo, kailangan lang ipakita ng mga turista ang kanilang valid ID at e-ticket o boarding pass na may petsa sa pagitan ng September 1 hanggang 27. Kailangan din nilang umorder muna ng Chicken Inasal Paa o Pecho Large para ma-enjoy ang libreng halo-halo.

“Every bite of chicken inasal, every spoonful of halo-halo, connects tourists to the heart of our culture, making their travels more meaningful and unforgettable,” dagdag pa ni Castro.