Libreng college entrance exam? Alamin ang iyong eligibility sa bagong batas!

Menos-gastos na sa mga mahihirap na estudyante ang kanilang pang college entrance exam dahil libre na ito sa ilalim ng Republic Act 12006 o Free College Entrance Exams Act.

Libre na ang entrance exam sa mga pribadong kolehiyo para sa mga mahihirap ngunit matatalinong estudyante dahil ang isang panukalang nag-uutos nito ay isang batas na.

Sa ilalim ng Republic Act 12006 o Free College Entrance Exams Act, kailangang matugunan ng mag-aaral ang mga sumusunod na kondisyon para mapakinabangan ang batas na ito:

Kinakailangang natural-born Filipino at nasa top 10% ang estudyante sa kanyang klase at nabibilang sa isang pamilya na ang pinagsamang kita ay mas mababa sa poverty threshold na itinakda ng National Economic and Development Authority, ayon sa ulat ng Lifestyle.INQ.

Kinakailangan ding mag-apply ang qualified na estudyante sa isang private school na matatagpuan sa bansa at kailangan ding matugunan niya ang lahat ng requirements ng nasabing pribadong kolehiyo.