Libre sakay na, may pa-burger pa! Jeepney driver may treat sa mga pasahero sa kanyang birthday

Nagbahagi ng good vibes ang isang jeepney driver sa kanyang mga pasahero sa kanyang kaarawan sa pamamagitan ng libreng sakay at libreng meryenda.

Pinabilib ng isang jeepney driver ang mga netizens sa kanyang nakaka good vibes na pakulo para i-celebrate ang kanyang kaarawan.

Ayon sa isang post ng driver na si Tal Valisan, ginawa na niyang tradisyon mula 2018 ang pamamasada ng libre sa kanyang special day. Bukod pa rito, naghanda din siya ng libreng meryendang burger sa unang 53 niyang mananakay.

Nagpasalamat din si Mang Tal sa kanyang mga anak at asawa sa pagtulong sa kanya sa paghahanda ng kanyang surprise para sa mga pasahero.

Gumanda naman ang umaga ng mga nakatanggap ng libreng burger kaya’t inulan ng pagbati ang post ni Mang Tal.