Less waiting, more exploring! Bagong transfer service sa Cebu airport mas pinadali ang pagbiyahe

Pagbiyahe ng mga local at international travelers sa Mactan Cebu International Airport ginawang mas maginhawa.

Ginawang mas convenient pa ang travel experience ng mga pasahero na nagmumula sa Mactan Cebu International Airport (MCIA) sa pamamagitan ng bagong lunsad na transfer system service na “Cebu Connect.”

Sa bagong sistema, iiksi ng 30 minutes o mas maikli pa mula sa dating isang oras ang layover time ng mga pasahero na may connecting flights. Inaasahan din ito na makatulong sa turismo.

“This is part of MCIA’s commitment to meeting global standards in airport operations,” ayon kay Athanasios Titonis, chief executive officer of Aboitiz InfraCapital GMR Megawide Cebu Airport Corporation sa ulat ng Philippine News Agency.

Bahagi ng “Cebu Connect” ang pag-update ng X-ray scanners, multiple counters, pagkakaroon ng mga well-trained security at airport staff, convenient pick-up at drop-off points para sa local at international travelers, at 24/7 customer support, kaya asahan na mas mapapadali ang pagtransfer ng mga pasahero sa pagitan ng Terminal 1 at Terminal 2.