Kasado na ang isa sa mga pinakaabangang Korean movies nitong taon na magtatampok ng hindi lang, isa, dalawa kundi lima sa mga mga sikat na K-drama stars sa buong mundo.
Si Lee Min Ho (Legend of the Blue Sea), Ahn Hyo Seop (Business Proposal), JISOO ng BLACKPINK (Snowdrop), Chae Soo Bin (I am Not a Robot) at Nana lang naman ang napiling gumanap para sa key roles ng webtoon adaptation ng “Omniscient Reader’s Viewpoint,” isang fantasy serye na binasa ng milyun-milyong manhwa fans online.
Magbabalik-pelikula si Lee Min Ho na gaganap sa papel na Yoo Jung Hyuk, isang karakter mula sa fictional novel na “Three Ways to Survive in a Ruined World.” Si Ahn Hyo Seop naman ang gaganap bilang Kim Dokja, isang office worker mula sa probinsya at tanging tao na nagbasa ng nobela sa loob ng sampung taon. Nang maging totoo ang mga kaganapan sa nobela, si Dokja lamang ang tanging tao na may kakayahan upang unawain ang rules ng bagong mundo upang mag-survive dito.
So Chae Soo Bin ay gaganap bilang Yoo Sang Ah, ang kaopisina ni Dokja na magiging katuwang niya sa paglalakbay habang si Jisoo naman ay gaganap bilang Lee Ji Hye, isang estudyanteng napasabak sa bakbakan sa unang pagharap sa bagong mundo.
Kasali din si Nana (Mask Girl) at Shin Seung Ho (Alchemy of Souls) sa mga dapat abangan sa kapanapanabik na pelikulang ito.
Ayon sa Soompi, nag first reading na ang mga cast members at naghahanda nang mag-shoot para sa pelikula.
Lee Minho, Ahn Hyoseop, Jisoo, Chae Soobin and Nana in one movie 🙀 the casting department knew what they were doing. Can’t wait for #OmniscientReadersViewpoint pic.twitter.com/kwmpFYgmBL
— kdramaswings 🦋 (@kdramaswings) January 24, 2024
Still cuts of the ‘Omniscient Reader’ script reading starring BLACKPINK’s Jisoo, Ahn Hyoseop, Lee Minho, Chae Soobin, Shin Seungho, Nana and Park Hosan. pic.twitter.com/6nWQYDqzWL
— Pop Base (@PopBase) January 23, 2024
Jisoo, Lee Minho, Ahn Hyoseop, and Nana are officially part of the cast for the movie, “Omniscient Reader’s Viewpoint” 😍🩷 pic.twitter.com/up4qhnyP5o
— 젠바 🙈💕 (@blackpinkbabo) January 23, 2024