Lechon kawali supremacy! Pagkaing Pinoy, top-ranking pork dish ng Taste Atlas mula sa Southeast Asia

Pinakamasasarap sa Southeast Asia ang mga pork dishes mula sa Pilipinas, ayon sa listahan ng Taste Atlas.

Hataw na hataw ang mga pagkaing Pinoy sa pinakahuling ranking ng food aggregator site na Taste Atlas para sa 100 Best Pork Dishes in the World dahil nangibabaw sa mga entries ng Southeast Asia ang lechon kawali at lechon.

Nagtamo ng pinakamataas na ranggo sa Southeast Asia ang lechon kawali na nasa 20th place. Ang lechon naman ay hindi nalalayo sa No. 21 ng Taste Atlas overall listing.

Pasok din sa listahan ang maanghang na Bicol Express, sisig, adobong baboy, binagoongan at crispy pata.

Sapat talaga itong rason para bumisita sa Pilipinas para mag food trip ang mga pork lovers mula sa kahit anong panig ng mundo.