Laugh trip! Viu PH, ginawan ng nakakatawang memes ang ‘Lovely Runner,’ ‘What’s Wrong with Secretary Kim’

Benta ang mga memes na ginawa ng Viu Philippines para sa kanilang mga serye.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Mukhang hindi pa rin nakakabawi ang Viu Philippines sa kanilang “Lovely Runner” fever matapos itong mag-post ng ilang nakakatawang meme sa katatapos pa lamang na K-drama series.

Ibinida ng streaming platform ang ilang memorable na eksena sa “Lovely Runner” at ni-relate sa ilang makasaysayang eksena sa Pilipinas tulad na lang ng paglapag ni Magellan sa Cebu, ang sigaw sa Pugad Lawin, at maging ang ilang eksena sa “El Filibusterismo.”

Syempre, tampok sa mga eksenang ito ang pinagkakaguluhan ngayong oppa na si Byeon Woo Seok at ang kanyang ka-partner na si Kim Hye Yoon.

Hindi lamang “Lovely Runner” ang napagkatuwaan ng Viu at maging ang ilang sikat na shows sa platform ay hindi din nakaligtas. Kabilang na dito ang “What’s Wrong with Secretary Kim” nina Kim Chiu at Paulo Avelino.

“Sumakit tiyan ko kakatawa sa mga caption mo Viu Philippines. Bawat picture wagas ang mga ideas and I love it! Very creative pag nag isip! Galing”

“Nice one Viu Philippines”

“witty at funny ka dito Viu Philippines”