Good news para sa mga KimPau fans sa ibang bansa dahil ang “My Love Will Make You Disappear” nina Kim Chiu at Paulo Avelino ay mapapanood na worldwide.
Sa anunsyo ng ABS-CBN, sinabi nilang nakipag-partner sila sa film distribution firm na Abramorama at sa Amorette Jones Media Consulting para mapalawak sa buong mundo ang mga mapapanooran ng bagong KimPau movie.
Ang “My Love Will Make You Disappear” ay ang pangatlong pagtatambal nina Kim at Paulo matapos ang suspense thriller na “Linlang” at ang romantic comedy series na “What’s Wrong with Secretary Kim?”