Nanumbalik sa kanilang pagkabata nang laruin muli ng mga miyembro ng Filipino Community in Siheung (FCIS) sa Siheung City, Gyeonggi-do, South Korea ang mga larong pinoy.
Ang Sack race, pabitin, jumping rope, tumbng preso, at hataw palayok ay ilan lamang sa mga paligsahan na ginanap sa “Larong Pinoy 2023.”
Sa Facebook post ng blogger na si HK Channel, nag-enjoy ang mga kasali sa hataw palayok na kung saan pati ang isang Koreanong pari ay sumubok dito. Maging ang mga ibang lahi ay nakisaya din sa mga Pinoy.
Naaliw naman ang mga netizens dahil kahit nasa South Korea ang mga Pinoy ay hindi nila nakakalimutang dalhin doon ang kulturang Pilipino.
“Malayo sa pamilya naiibsan ang lungkot kapag sama sama kapwa Pinoy para sa panandaliang kasiyahang. MERRY CHRISTMAS and Happy New year 
,” sabi ng isang netizen.
“Bring the joy and fun Pinoy Style, wherever your feet lead you fellow Filipinos!” saad naman ng isang netizen.
“Walang makakatalo sa SAYA NG MGA palaro Ng PINOY
,” dagdag pa ng isang netizen.