Hindi man biniyayaan ng golden voice, na appreciate pa din ng Moonstar 88 ang muling kumakalat na video ni Bianca de Vera sa “Do Re Mi” challenge na naging Moonstar challenge.
Sa kanilang repost ng video ni Bianca mula pa noong Abril, aliw na aliw sila sa panonood sa ngayo’y PBB housemate kung paano nito itatawid ang bola patungo sa kabilang nota.
Makikitang sa mabababang tono ay hirap nang sumakses si Bianca kaya naman dinaan na lang niya sa pagkanta ng mga awitin ng Moonstar 88 na “Torete” hanggang sa siya ay nakatsambang makatawid na.
Natawa din ang mga fans ng Kapamilya star sa kanyang kakulitan.
“Laro ka baby girl”
“SOOOOOO whooooa whooooa wag na wag mong sasabihin~ HAHAHAHAHAHAAH”
“focus pa yan sha oh”
“Dahil jan napa follow tuloy aq”