Laman ng ‘go bag’ na nauwi sa merienda dahil sa biglaang gutom ng may-ari, kinaaliwan ng internet

Nakarelate ang mga netizens sa bawas-bawas nang pagkain sa go bag ng isang TikToker.
Found this article interesting? Help others discover it too!

From ‘go bag’ to lunch box really quick.

Laugh trip ang dala ng isang TikTok video kung saan ay wala pa mang sakuna ay ubos na agad ang pagkaing laman ng isang emergency Go Bag.

Sa clip na inupload ni netizen Isaiah (@isaiah6344 ), ipinakita niya na nakain na niya ang Skyflakes na dapat ay para sa kanyang Go Bag.

“katakawan ko naubos ko na pagkain ng go bag ko,” kwento niya sa kanyang post.

@isaiah6344 BIGGIE #real #fyp #epwaypi ♬ original sound – Jay Sena

Umani ng libo-libong engagements ang video na may samu’t saring reaksyon mula sa mga netizens.

”HINDI PA START MAHH😭😭”

“sana kinain mo na rin sana ung plastic 😔😭😆”

“me na nagugutom every hour HAHAHHA”

“sameee😭”

“yung GO BAG ko ubos na🙂”