Lakas ng trip! Mga K-pop idols ng EXO, ginawan ng Filipino names ng AI

Ang kukulit ng mga Pinoy K-pop fans ng EXO at naisipan pa nilang isalang ang pangalan ng mga idol sa AI para i-covert sa Tagalog.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Marami talagang kalokohan ang mga K-pop fans sa Pilipinas kaya’t kahit maging ang mga miyembro ng EXO ay walang kawala sa kakulitan ng FILO EXO-Ls.

Dahil usong-uso ngayon ang AI, isinalang ng Pinoy fans ang Korean names ng kanilang mga idolo upang malaman kung anong Filipino name ang babagay para sa kanila.

Ang kinalabasan, mas Pinoy pa sila sa kanilang mga fans.

Para sa hyung ng grupo na si Xiumin, nababagay daw ang pangalang Simeon Liwanag.

Para sa kanilang vocal superstar na si Chen, nararapat daw siyang maging Juanito Matapat.

Para sa makulit na maknae na si Sehun, Oscar Malakas.

Para sa kanilang leader nim na si Suho, Juan Marcos Mahusay.

Para sa kanilang dancer na si Kai, Juan Miguel Kalinawan.

Para sa Chinese member na si Lay, Zandro Yabang ang naging tugon ng AI. Uy, grabe siya!

Para kay Baekhyun na kailan lang nagdaos ng solo concert sa Maynila, Juanito Bangongbuhay. Sakto dahil sa pagtatayo din niya ng sariling label.

Siyempre, malilimutan ba si D.O. or Do Kyungsoo na sikat hindi lamang bilang idol kundi bilang leading man? Diego Mapanuri ang Pinoy name ng lookalike ni Mayor Vico.

Syempre, para sa tila hindi nauubusan ng energy na si Chanyeol, siya naman si Pedro Masigla.

Ang kukulit nyo ERIS!