Lakas ng trip! Dalawang kabataan pinatunayan ang gamit ng physics sa isang ride sa peryahan

Iba din ang naitutulong ng pag-aaral ng physics para sa totoong buhay.
Found this article interesting? Help others discover it too!

May silbi din talaga ang pagiging attentive sa klase lalong-lalo sa sa subject na physics dahil maraming pwedeng matutunan na pwedeng gamitin sa praktikal na buhay.

Tulad na lamang ng isang sikat na ride sa mga amusement park kung saan papaikut-ikutin ang mga riders na nakaupo sa isang pabilog na ride.

Pero imbes na kumapit, tumili at tumilapon tulad ng mga ibang nakasakay, dalawang magkaibigan ang tumayo sa gitna nito at naglakad kasabay ng pag-ikot ng ride kaya’t napanatili nila ang kanilang balance kumpara sa mga ibang nakasakay.

Ipinaliwanag ng isang netizen kung paano nagawa ng dalawang teenager ang nakamamanghang pagbalanse at ayon sa kanya ito ay may kinalaman sa angular velocity. Aniya, pinairal lang ng dalawang magkaibigan ang isang simpleng solusyon gamit ang siyensiya.

“At the center or axis of any spinning object the velocity is ‘zero.’ As you go farther away from the center the angular velocity will increase and inversely if you go nearer the center the angular velocity will decrease. If you are standing at center the angular velocity is zero. Science works!” paliwanag ng netizen.

Mayroon din siyempreng nag miron din at nang-asar.

“Sinubukan ko yung Physics sa totoong buhay. Tumayo ako sa gitna ng problema,natumba pa din ako ee”

“Charooot”

“Ibang klase trip nito ah ayos lang kasi yung mga nakaupo wala din naman yata seat belt eh, kesa ipag hampasan ka eh di ganyan na lang”

“Sumakay kpa at nagbayad tapos maglakad krin ng ganyan.eh d lakaran mo nlng paikot ng karnabal ganyan lang fin gagawin”