Lagot ka kay father! Campus cat na natulog sa misa umaliw sa mga estudyante

Huli cat! Ang eksena habang mahimbing ang tulog ng isang campus cat sa gitna ng misa.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Kilala ang pusang si Venus bilang isa sa mga campus cats na naninirahan sa De La Salle University-Dasmariñas, ang kanyang paboritong tambayan—ang University Chapel.

Kaya naman sanay na sanay na ang mga nagsisimba na kalahok din ang malambing na pusa tuwing magmimisa ang chaplain na si Fr. Ren Dumaop.

Yun lang, pag minsan ay hindi niya din napaglalabanan ang antok dahil sa malamig na simoy ng hangin dulot ng “Ber” months kaya’t kahit busy ang lahat sa pakikinig sa misa ay nakakatulog na ang makulit na muning.

Hay, Venus!