Laban kahit inaalat! EJ Obiena, hindi pa din sumuko kahit inabot ng sandamakmak na malas

EJ Obiena, G pa ding lumaban kahit inabot ng samu’t saring malas sa biyahe

Hindi ka magiging kampiyon kung hindi ka marunong humarap sa pagsubok. Ito na nga ang nangyari kay pole vault star EJ Obiena nang abutin ng sobrang daming pagsubok bago umabot sa Ostrava Golden Spike sa Czech Republic kung saan nagtapos siya sa 7th place.

Ayon kay EJ, mula pa lang sa kanyang unang flight mula sa Los Angeles noong Mayo 19 ay nagka-problema na sila sa pagtransport ng kanyang poles dahil sa full cargo sa eroplano. Hindi pa dito nagtapos ang mga pagsubok dahil makailang ulit din nilang ginawan ng paraan para madala ito, kahit na hiwalay pa itong napadala sa tulong ng mga kaibigan.

Matapos ang maraming aberya ay umabot din ang poles sa araw ng match ngunit matapos ang unang talon ni EJ ay nabali naman ito.

Aminado si EJ na medyo naasar siya sa nangyari pero tinignan na lang niya ito sa positibong paraan dahil hindi naman siya nasaktan.

Aniya, g na lang siya sa susunod na laban kung saan handa siyang galingan para sa bayan.