‘Lab you Panda!’: Delivery rider, natupad ang pangarap na motor at pagbabalik-eskwela dahil sa sipag at tiyaga sa trabaho

Maraming netizens ang humanga sa sipag na ibinahagi ni Sharif Abdurahman sa pagiging isang Food Panda rider.

Malaking inspirasyon ang istorya ni Food Panda rider Sharif Abdurahman na nagbahagi ng pasasalamat sa sunod-sunod na tagumpay na natamasa niya bilang rider ng nasabing delivery application. Limang taon na siyang nagtatrabaho para sa Food Panda.

Ayon sa post ni Abdurahman sa Facebook group na Food Panda Manila Riders, dahil sa pangarap at trabaho na bigay ng Food Panda, nakapag pundar na siya ng isang motorsiklo bilang pampalit sa kanyang lumang bisikleta na ginamit niya noong nagsisimula pa siya bilang rider.

Take note, ang motorsiklo niya ay fully paid na rin.

Kanya rin idinagdag na makakapag-aral na ulit siya dahil malaking ambag ang ginawa ng food delivery app sa kanyang buhay. “Makakapag-aral na [a]ko uli[t] kasi hindi na sabay-sabay ang [mga] gastusin. Lab [love] you Panda!”

Marami namang naka-relate sa sipag ni kuya rider at ang tulong ng Food Panda.

“Kagaya mo din ako boss… Dahil kay Food panda naka graduate ako ng college at nagkasariling motor pa,” ani isang rider na si Justine Hernandez.

Samantala, inulan ng papuri mula sa netizens ang success story ni Abdurahman:

“Sipag mo idol keep it up.”

“Ito isa sa [mga dapat] tinutularan. Hanga ako sa ganitong tao!”

“Rooting for you brother. Good job!”

Sa ngayon, umabot na sa 57.5k ang mga nakakakita at humahanga sa istorya ni Abdurahman.