Hindi lang Kalokalike kungdi ka sound alike pa ng “KalokaLike” Grand Winner Vyan dela Cruz ang kanyang idol na si KZ Tandingan kaya’t hindi naman nagulat ang mga madlang pipol na siyang ang itinanghal na kampeon.
Mukhang mas nagulat pa nga si Vyan nang siya ang i-announce na grand winner sa ginanap na finals ng “It’s Showtime.” Naging matindi ang labanan sa pagitan nila ni Bruno Mars Kalokalike Kent Villarba na nagtamo ng 9.6 percent mula sa mga hurado.
Naungusan pa din siya ni Vyan para sa Php450,000 worth ng prizes kabilang na ang Php200,000 worth ng wellness & beauty package from Charm by J. Lopez MD, Php50,000 worth ng hair care and salon services mula sa Cut Encarnacion salon, Php100,000 worth ng dental care services mula sa Urban Smiles, Php100,000 worth of medical and diagnostical services mula naman sa The Med Club, isang special trophy, at tumataginting na Php300,000.
Happy naman ang mga manonood sa naging resulta ng contest:
“Deserved. Congratulations”
“I knew it! You’re also my bet! Congratulations Kalokalike KZ!”
“Grabe ito. Marunong din magrap”