Christmas, Philippines, ang pao

Kyut na angpao para sa P20 coins bet ng mga nagtitipid na ninong at ninang ngayong Pasko

Handa na sila ninong at ninang!
Found this article interesting? Help others discover it too!

When there’s a will, there’s a way.

Mukhang hindi magpapadaig ang mga makukunat na ninong at ninang ngayong Pasko kahit na halos wala nang bente pesos na papel sa sirkulasyon.

Kahit pa barya na lang ang bente, pwede pa rin itong gawing pang regalo, gamit ang maliliit na ang pao na para dito. Matapos makita ang post ng Facebook page na Marrssss, biglang nagtakbuhan sa suking shops sa Lazada at Shopee ang mga netizen.

Nabuhayan sila ng pag-asa at biglang nagka-idea ng kung saan saktong isilid ang mga Php20 coins para cute pa din kahit maliit ang halaga.

Matagal na palang meron nito kaya’t nangangahulugan na hindi pa din mape-pwersa ang mga kuripot na ninong at ninang na taasan ang kanilang rate para sa mga mag-mamanong inaanak ngayong Pasko.

“HAHAHAHAHA ganito pala dapat para cute HAHHAHAHA,” reaction ng isang netizen sa post.

“sa ganto pala dapat,” sabi naman ng isa.

“ang cute ng ampao hahahahaha pwede pala ganto ehh,” sabi ng isang netizen na biglang nagka-idea para sa ireregalo sa mga inaanak.

“Alams na”

“kiss na kay ninang haha”