Sino nga ba ang nagbabantay sa mga gwardya? Sa isang viral TikTok video, mukhang may sagot na ang tanong na ito.
Sa video na shinare ni @ggngfms, makikita ang isang kuya guard habang maayos na nagroronda sa labas ng isang mall, ngunit hindi siya nag-iisa. Kasama niya ang isang grupo ng mga aso na tila nakabantay sa bawat hakbang niya.
Kalma at kumpiyansa ang lakad ni kuya guard, na para bang sanay na sanay na siya sa ganitong eksena.
“Parang si kuya guard na ang ginagwardyahan,” pabirong caption ng uploader, na agad namang ikinatuwa ng milyong netizens.
@ggngfms I cant super friendly nila lahat 😭❤️ #straydogs #furrbabies #dogpackfamily #doggiesoftiktok ♬ original sound – Duet Cats
Umani ng ngiti ang video sa comment section, kung saan marami ang pumuri sa pagiging animal-friendly ng lugar at sa espesyal na samahan ng guard at ng kanyang furry companions:
“Big respect sa mga malls na mapagmahal sa mga dogs and cats!!!!🥰”
“ganyan din ako nung guard pa ako.. may mga aso din akong kasama.. maganda yan kasi kahit umidlip ka sa gabe sila anjan magbabantay sayo at sa paligid”
“Hindi talaga sya matatakot mag ronda 😂😂”
“Lab na lab nila si kuya. Alam mo na kung sino yung mabait sa doggies.”