Kumusta si bunso? Fur baby kailangan pang i-video call nang mapawalay sa amo

Puring-puri ng animal advocate na si Doc Gab ang isang fur parent na nag-video call pa para masiguro na okay lang ang kalagayan ng kanyang fur baby.

Para sa mga fur parents na itinuturing na anak ang kanilang mga alaga, mahirap mapawalay kahit saglit at todo alala sa fur babies kapag ito ay hindi kasama.

Ganito nga ang eksena sa isang kapunan session ni Doc Gab kung saan ang isang fur parent ay nag-video call para para malaman kung ano ang lagay ng kanyang baby.

Makikita sa video panay ang tawag ng isang fur dad sa kanyang anak na sumama sa kanilang alaga para ipakapon.

Matapos tanungin ang anak kung kumusta na ang kanilang aso ay hindi pa nakuntento at nag video call pa ang mga ito para makita ang lagay ng fur baby, na itinuturing nilang bunso ng pamilya, para masiguro na okay lang ito.

Ikinatuwa naman ni Doc Gab ang ganitong klaseng pagmamahal sa alaga. “Sana ay marami pa ang makaranas ng ganitong pagmamahal,” aniya.

Ikinatuwa rin ito ng mga netizens:

“This is so heartwarming , I just hope and pray na dumami ang mga animal advocate and animal shelters na mag-aaruga sa stray cats and dogs”

“Salute to this page always trying to spread kindness and compassion for animals”