Kulang pa ng palaman! ‘Breadwinner’ na pusa, nag-uwi ng isang balot ng tinapay sa kanyang bahay

Bilib ang mga netizens sa diskarte ng isang pusa na nakaiskor ng isang balot ng Tasty bread pauwi sa kanilang bahay.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Aliw ang mga cat lovers sa video ng isang pusang tila may bitbit na isang balot ng Tasty bread pabalik sa kanilang tahanan.

Ang matinik na muning, hindi alintana ang bigat ng kanyang bitbit at dire-diretso ang lakad papunta sa kanyang bahay kahit na tinatanong na ito ng OP kung saan niya nakuha ang tinapay na kanyang dala.

Hindi naitago ang pagka-bilib ng ilang netizens sa pusang ito:

“Mukhang sineryoso ni Miming ang katagang ‘breadwinner.’”

“ayos yan hanggang hapunan nayan miming hirap kaya ng buhay ngayon”

“ang galing niya”

“Galing mo nmn meng balik ka meng bibit ka ulit pang palaman niyan sa tinapay”