Kulang na lang ng apron! Vlogger, napagkamalang manager sa Kenny Rogers dahil sa suot na polo shirt

Moral lesson sa pagpili ng kakainan, mamili ng tamang damit para di mapagkamalang manager.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Sa pagpili ng kakainan, hindi lang kung ano ang matripan. Dapat ding pag-isipan ang outfit na gagamitin para maka-lafang ng tahimik at walang problema. Tulad na lamang ng isang customer na napagkamalang manager ng Kenny Rogers dahil ka-tema ng kanyang polo shirt ang uniporme ng kanilang mga service crew.

Natatawang ibinahagi ng vlogger na si TG Updates ang kanyang karanasan kung saan ilang beses siyang napagkamalang manager ng Kenny dahil lamang sa suot niyang striped black and white shirt.

Sa sobrang saya ng pangyayari para sa mga nagta-trabaho doon, pinalibutan pa nila ang vlogger para magpa-picture at talaga nga namang belong na belong si ateng sa gitna nila.

Hindi naman ito pinalampas ng kanyang mga followers dahil inulan din siya ng pang-aasar sa comments section:

“Mam TG Pa follow up po nung roasted chicken namin 30mins na po wala pa”

“bakit kasi jan ka kumain hahahahaha love you TG!”

“next sa branch ka naman namin sir dapat ganyan din suot mo”

:Ayyy ka GANDA nga ng uniform !! OK po yan kayo ang bagong ENDORSER ng Kenny Rogers !!”

“thank you for sharing sayo na po ako mag forward ng feedback namin sa dining experience”

“Manager talaga kasi iba ung kulay ng kuwelyo at sa may braso..”