Kuhang-kuha! Sphinx cat, umaliw sa DragonBall fans dahil sa pagkakahawig kay Lord Beerus

Todo puri ng DragonBall fans ang isang Sphinx cat na dinamitan ng kanyang amo bilang Lord Beerus.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Para sa mga hardcore fans ng DragonBall, isa si Lord Beerus sa pinaka OP na characters sa manga at animation.

Ang Lord of Destruction ng Universe 7 na kayang dumurog ng buong planeta sa pamamagitan ng isang Hakkai attack ay naging katropa din nila Goku, at Vegeta dahil sa karupukan nito sa masasarap na pagkain.

Ayon sa isang video na pinost ng 9GAG Awww, ang Sphinx cat na si Bruce na dinamitan ng cosplay ni Lord Beerus ang pumukaw sa atensiyon ng anime fans dahil kuhang-kuha talaga nito ang itsura ng DragonBall character. Hindi lamang iyon, nang tumindig ito at itaas ang isang paa ay akala mo ngang siya si Beerus na naghahanda na para umatake sa kanyang mga kalaban.

Pati ang kanyang kapatid na si Brittney ay dinamitan din ng kanilang amo para magmukhang si Champa, ang kapatid ni Beerus na isa ring Lord of Destruction.

Kapag hindi naman naka-costume ay napakalambing naman ng magkapatid na ito sa isa pa nilang kapatid na Persian cat at nililinisan pa nila ito kahit mukhang ayaw naman.