Kuhang kuha! Christian Antolin ipinakita ang iba’t ibang mukha ng mga estudyanteng nasesermunan

Hindi matatawaran ang galing ng content creator na si Christian Antolin sa kanyang back to school skit para sa mga nasesermunan ni mam.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Balik eskuwela na naman ang mga bagets kaya panigurong matapos ang mahabang bakasyon, may mahabang sermon na naman ang mga titser sa ilang pasaway na hindi gumawa ng assignment na ibinigay higit tatlong linggo na ang nakaraan.

Siyempre, ang mga content creators tulad ni Christian Antolin, panay ang spoof tungkol sa mga makukulit na estudyanteng ayaw sumunod sa bilin ng kanilang mga guro.

Sa kanyang skit na kinatatampukan ng apat na uri ng estudyante, ipinakita niya ang mga reaksiyon ng mga mag-aaral habang tumatanggap ng pangaral kay mam.

Merong hiyang-hiya sa kanilang kasalanan. Meron din namang deadma. Meron din siyempreng tila naiinis pa sa sermon, pero tiyak na makaka-relate ka dahil buong klase ay damay sa mga ganitong pagkakataon.

“Oi relate ako”

“Naputukan ba mga utak nyo at nakalimutan nyo lesson natin last year.”

“Ang galing mo talaga lodi”

“Tawang tawa ako sa mga itsura eh..gnyan na gnyan tlga”