Hindi lamang ang mga Korean celebrities ang nakakapag-uwi ng Daesang o ang pinakamalaking karangalan sa mga ginaganap na award shows sa Korea. Sa katunayan, proud na proud na nakamit ni Kristel Fulgar ang Influencer of the Month Award sa kagaganap lang na 2023 Global Influencer Awards sa South Korea.
Sa kanyang caption, ipinagmalaki ni Kristel ang kanyang unang Daesang award. Lalo pang pinabilib ng content creator ang kanyang mga fans ng isinulat niya ang kanyang mensahe sa Korean.
Pinarangalan si Kristel para sa kanyang YouTube channel na KrisTells Vlogs kung saan ibinabahagi niya ang tungkol sa kanyang pang araw-araw na buhay, mga paglalakbay at maging ilang short films. Sa ngayon, may 2.72 milion subscribers na sumusubaybay sa kanyang mga adventures.
Matatandaang noong nakaraang taon, nag relocate si Kristel sa South Korea at nag-sign ng kontrata sa Five Stones Entertainment. Sa mga panahong iyon, nakasalamuha ni Kristel ang ilang mga Korean celebrities at ipinakita ang ilan sa mga adjustments na kanyang ginawa para sa kanyang career move.