Kris Aquino, confident na makauwi sa Pinas dahil sa new BF na duktor

Queen Of All Media na si Kris Aquino may bagong BF na doctor, isa sa mga dahilan bakit kampante siyang makauwi sa bansa.

Posibleng makauwi na sa Pilipinas ang Queen Of All Media na si Kris Aquino bago matapos ang Setyempre ngayong taon kung maayos ang mga result ng kanyang medical tests sa US.

Yan mismo ang ni-nireveal ni Kris kay Ogie Diaz habang ini-interview niya ang bunsong anak na si Bimby. Bumisita si Ogie kay Kris kamakailan sa Orange County, California na kung saan una niyang nakapanayam si Bimby at nang kamustahin na ang “puso” ng kanyang mommy, naki-join na si Kris sa interview.

Isa sa mga dahilan kung bakit malakas ang loob ni Kris na makauwi sa bansa ay ang kanyang newfound love na isang duktor.

“He’s part of the reasons why I’m confident na pwede akong umuwi, kasi alam ko na there’s someone who will help in taking care of me,” pag-amin ni Kris.

“He’s a doctor and I think that’s part of the reason why it was easy, kasi alam niya kung ano ‘yung pinagdadaanan ko,” ani Kris. “So obviously, by saying that, alam na nila na he’s a doctor based in the Philippines—in Makati,” dagdag pa niya.

Sinabi naman ng kanyang bunsong anak na si Bimby na “medyo makulit lang” ang new BF ng mom niya “but a very good guy.”

Nilinaw din ni Kris na walang overlapping na nangyari sa bago niya boyfriend at sa dati niyang karelasyon na si Batangas Vice Governor Mark Leviste.