Korni pero cute! Miles Ocampo, may panibagong hirit-serye sa mga tindahan sa Japan

Kahit may bagong batch na ng “Goin’ Bulilit,” hindi pa din magpapahuli ang OG cast na si Miles Ocampo sa kanyang mga pick up lines at jokes kapag siya ay nagta-travel.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Kahit may bagong batch na ng “Goin’ Bulilit,” hindi pa din magpapahuli ang OG cast na si Miles Ocampo sa kanyang mga pick up lines at jokes kapag siya ay nagta-travel.

Kamakailan lamang sa kanyang trip sa Japan, bumanat na naman ng mga witty linyahan ang “EAT Bulaga!” host nang makakita ng ilang signages sa Land of the Rising Sun.

Gamit ang kanyang matabang utak at natural na sense of humor, naikembot ni Miles ang mga patawa gamit ang mga brands na Allu, Tika, Jintay, Babyleaf, Tobaacco, na katunog ng ilang Tagalog words.

Aliw ang mga fans ni Miles dahil mismong siya ay hindi kinakaya ang kakornihan ng ilan niyang hirit. Pero G pa din siya at nagpasintabi naman sa kanyang caption.

“Hahahhaha ang galing”

“So funny po ate Miles”

“Lodi q to tlga”

“Napakabright talaga ni friend”

“Havey tatak going bulilit”