Kongreso, OK na gawing libre ang professional exams para sa mga mahihirap na graduates

Aprubado na ng Kongreso ang proposed Free Professional Examinations Act na naglalayong gawin libre ang professional exams para sa mga qualified na indigents.

Lusot na sa ikatlo at pinal na pagdinig ang House Bill 9859 o ang proposed Free Professional Examinations Act na ipinasa ng lower chamber noong Lunes.

Kung maisasabatas, hindi na kailangang mag-alala ang mga graduates na kapos sa kanilang ipambabayad para makakuha ng professional o licensure examinations dahil gagawin na itong libre para sa kanila isang beses kada taon.

Ang layunin ng nasabing bill ay “to provide graduates, who are from poor families better access to job opportunities.”

Sama-samang bibigyang-daan ito ng Department of Social Welfare and Development, na siyang magtatakda kung sino ang qualified sa pamamagitan ng pagkuha ng Certificate of Indigency mula sa ahensiyang ito, ayon sa ulat ng ABS-CBN News.

Ang naturang certificate naman ang isusumite sa Professional Regulation Commission o ng Civil Service Commission.