Umani ng papuri ang aktres na si Barbie Forteza sa naganap na GMA Gala hindi lang dahil sa kanyang bonggang gown, kundi pati na rin sa kanyang naging reaksyon nang mahulog sa stage ang isang kapwa Kapuso star habang rumarampa sa stage.
Legit na princess vibes ang pinakita ng Kapuso primetime princess nang dumalo ito sa GMA Gala 2024–pinakainaabangang showbiz event ng taon kung saan ay nagtipon-tipon ang mga bigating celebrities ng bansa, suot ang isang Cinderella-inspired na white gown na obra ni fashion designer Mak Tumang.
THIS DRESS! 😍 #PulangAraw star Barbie Forteza and this #GMAGala2024 designer dress is ✨chef's kiss✨
📸: Jharwin Castañeda pic.twitter.com/N8FE9xHrD4
— GMA Network (@gmanetwork) July 21, 2024
Bukod pa sa kanyang gown, tawag-pansin rin ang kanyang di inaasahang moment sa stage kung saan ay napatakbo siya para tulungan si Herlene Budol nang mahulog ito sa entablado habang rumarampa, nagpapatunay sa mga kwento ng kanyang kabutihan.
@c0rdelia2023 #BarbieForteza #gmagalanight2024 #PulangArawOnNetflix #MSKM #bardaendgame #filay #mariaclaraatibarra #ThatKindOfLoveNowShowing #BarDa #DavidLicauco @David Licauco @Barbie Forteza ♬ original sound – Cordelia
Pinuri ng netizens sa social media ang pagtulong ng “Maria Clara at Ibarra” star sa naaksidenteng beauty queen kahit may kabigatan rin ang kanyang suot na gown:
“Napaka bait naman talaga ng nag iisang Barbie Forteza😌💗”
“Klay na Klay nung nakita si ate Sisa sa daan HAHAHAHAH”
“Totoo nga sinabi ni Ivana sa lahat ng artista eto Barbie Forteza mabait talaga. Kaya di nakakapagtaka maraming blessing at project nya sunod2 talaga”
“Mas tumulong pa siya kahit malayo siya kesa sa ibang malalapit🥺”
“bait talaga nya kahit mabigat gown nya napatakbo talaga sya”
“I’m becoming a fan of this kind-hearted girl”
“Mabait naman talaga si Barbie”
“Beautiful inside out”
“To the rescue talaga lagi si Klay”
#barbieforteza also run like cinderella to help somebody in need
— Adelina Dela Cruz (@DebbieG_8) July 21, 2024
THIS IS THE ESSENCE OF THE WORD KAPUSO. Walang competition. Walang plastikan. Walang mas sikat or walang mas big star. When someone stumbles, a Kapuso will help. ❤️🌈
Hugs to #HerleneBudol and salute to #BarbieForteza! You both are Kapuso queens in our eyes. 👑✨️ #GMAGala2024 pic.twitter.com/0FSq2PZp0V
— Alt Kamuning ❤️🌈 (@AltKamuning) July 20, 2024