Kinilig na ba ang lahat? DustBia, bumida sa bagong MV ng Lily para sa ‘Kinakabahan’

Gulong-gulo na talaga ang fans ng ex-PBB housemate na si Bianca de Vera kung kanino ba talaga siya ishi-ship. Matapos kasing maglapag ng brand endorsement kasama si Will Ashley bilang bahagi ng WillCa loveteam ay bumida naman siya ngayon kasama si Dustin Yu para sa music video ng “Kinakabahan.”

Kilig na kilig ang mga DustBia shippers dahil sa wakas ay nakatanggap na rin sila ng ayuda mula sa loveteam na nabuo sa PBB house at hindi naman sila binigo ng bandang Lily sa dami ng eksena nila rito.

Marami rin ang nagulat nang makitang napakagaling din palang umarte ni Dustin.

“I’m here to support Dustin and Bianca..I can’t deny na bagay din talaga cla..Ang gling pa nla sa actingan and superb yung line delivery, deserve nla yung upcoming movie”

“grabi Ang chemistry nila talaga napaka natural”

“wow. i didn’t expect dustin would give an on point emotions. plus, yung batuhan nila ng linya sobrang sakto.”