#KimPau trending na naman sa pagpapakilig! Mga BTS moments himay na himay ng mga faney

Bawal na hindi kiligin sa laging trending na tambalang Kim Chiu at Paulo Avelino.

Hindi na talaga makapaghintay ang fans ng #KimPau o tambalang Kim Chiu at Paulo Avelino sa premiere ng Philippine adaptation ng “What’s Wrong with Secretary Kim?” sa Viu nitong darating na Marso 15.

Trending na naman ang mga hashtags na #KimPau, #PauloAvelino at #KimChiu sa Twitter kung saan enjoy na enjoy ang mga faney sa mga sweet moments nina Kim at Paulo behind the scenes ng kanilang mga eksena.

Cute na cute din ang mga fans sa interaksyon ng dalawa sa mga press events kung saan makikitang close na close na sila sa isa’t isa matapos nilang magtrabaho sa hit seryeng “Linlang” na ngayon ay umeeere na din sa telebisyon.

Hay naku talaga itong dalawang ito, nakaka good vibes lungs!