Kilikili power! Viral protester dahil sa maitim na kilikili, featured model sa issue ng Allure Magazine

Kahit maitim ang kanyang kilikili, malinis naman ang intensiyon ng isang viral protester na panagutin ang mga korap, kaya naman deserve niya ang kanyang moment sa isang fashion magazine.

Matapos mag-viral sa isang rally dahil sa maitim na kilikili, napili ng Allure Magazine na i-showcase ang protester na si Nathalia Julia Geralde.

Sa latest issue ng Allure, itinampok nila ang matapang na estudyante na confident na itinaas ang kanyang kamao para panagutin ang mga korap na opisyal sa pamahalaan.

Ayon sa magazine, napili nila si Nathalie dahil gusto nilang maging malinaw na ang pokus ng bansa ay hindi dapat sa panlabas na kaanyuan ngunit sa isyung kinakaharap ng bayan.

Malakas naman ang loob ni Nathalie na balikan ang mga humahamak sa kanya at marami rin ang pumuri sa kanyang confidence:

“beautifuuuuuuuul ”

“SHE IS THE MOMENT”