Kilig yarn? Donnalyn Bartolome, ibinahagi ang kanilang traditional ligawan ni JM de Guzman

Ibinahagi ni Donnalyn ang kanilang sweet love story ni JM de Guzman.

Mahaba man daw ang prusisyon, sa aminan din ang tuloy. Ito na nga ang nangyari sa celebrity couple na si Donnalyn Bartolome at JM de Guzman matapos ibahagi ng singer at YouTuber ang kanilang love story na umabot ng isang taon at kalahati.

Ani Donnalyn, hindi naman daw niya inakala na magkakatuluyan sila ni JM dahil talagang ang intensiyon niya dito noong una ay pakikipagkaibigan lamang. Ngunit kalaunan, nakitaan din niya ito ng mga green flag behavior lalo na sa pagrespeto nito sa kanyang desisyon na huwag munang sumuong sa relasyon.

Ani Donnalyn, hindi lang nila naamin agad ni JM ang kanilang relasyon pero umabot na sila sa exclusively dating phase at mayroon pa silang lihim na promise ring sa isa’t isa. Hiningi din nila ang permiso ng kanyang mga magulang bago sila naging official.

“Hindi na ko magseselos, si Donnalyn naman nakatuluyan eh!”

“Pinaka magandang post na nabasa ko today”

“Congratulations po ate Donnalyn! Na late lang po ng bati. Makikipinky swear lang po.”