Kilig sa kalsada! Rider, nag-trending sa sweet traffic moments kasama ang jowa

Viral sa TikTok ang isang rider at ang kanyang girlfriend na ginawang quality time ang bawat red light habang bumabiyahe.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Walang problema ang buhol-buhol na traffic basta sweet lover ang rider.

Ito ang pinatunayan ng isang motorista sa isang viral TikTok video, kung saan tampok ang compilation ng traffic moments kasama ang kanyang girlfriend. Imbes na mainis sa bawat pulang ilaw, ginawa nila itong quality time habang nasa biyahe.

Sa clip na ibinahagi ni Motovlogger @‌akymoto_, makikitang sa bawat paghinto, marahang hahawakan ni Akymoto ang kamay ng kanyang jowa at ipupulupot ang braso nito sa kanyang bewang na nagiging instant kilig kahit nasa gitna ng trapik.

Walang mintis ang kanilang pagiging malambing, kaya’t hindi na rin nakapagtataka kung bakit maraming netizens ang napa-“sana all” sa comment section.

@akymoto_

♬ original sound – crookie 🍪

Kanya kanyang banat ng witty reactions ang mga hopeless romantics online:

“pinakita ko sa move it pinababa ako”

“pinakita ko sa bf ko SABI HINDI LAHAT NG NAKIKITA MO SA ONLINE GAGAYAHIN DIN NATIN🤣🤣”

“may balik yan sayo boss, sabi sayo”

“okay na marami ng nakakita,paki only me na po.”