Kilig overload! Maris Racal at Anthony Jennings magsasama muli sa isang pelikula

Hiling ng fans na magkaroon muli ng proyekto ang tambalang “SnoRene” dininig dahil may bagong pelikulang paparating sina Maris Racal at Anthony Jennings.

Tila dininig ang panawagan ng fans dahil ang nakakakilig na tambalang Maris Racal at Anthony Jennings ay magsasama muli sa bagong proyekto.

Pinakilig nila ang mga fans sa teleseryeng “Can’t Buy Me Love” bilang loveteam na “SnoRene” at lagi ngang nagte-trending ang kanilang mga eksena.

Ngayon, naghahanda na ang dalawang magkakilig muli sa bago nilang karakter sa pelikulang ididirek ni Jason Paul Laxamana.

“Iba naman to. Ibang tao, ibang characters. Excited. Dedicated na kami,” ayon kay Anthony, sa ulat ng ABS-CBN News.

“It is something exciting. Different talaga. Different from SnoRene,” dagdag din ni Maris.

Sa bagong proyekto ng “MaThon,” handa umano silang dalawa sa anumang challenges. Umaasa rin ang dalawa na tatanggapin at mamahalin muli sila ng kanilang “SnoRene” fans.