Kilig overload! Manliligaw na asong may astig na OOTD, viral sa TikTok

Asong binihisan na parang tao at astang manliligaw ng dalaga bentang-benta sa mga netizens.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Magkahalong tuwa at kilig ang dala ng video ng isang aso na binihisan na parang tao at astang manliligaw ng isang dalaga.

Sa Tiktok video na pinost ni Mr Mu, makikita ang isang asong nakasuot ng sumbrero, shades, gold chain necklace, jacket, at pants. May dala din siyang regalo na branded pa.

Kilig na kilig naman ang dalaga sa lakas ng dating ng kanyang astig na “manliligaw.”

“sana all may mayaman na manliligaw nakakaahon ka na sa hirap ate,” pabirong caption ni Mr. Mu.

@mr._mu

sana all may mayaman na manliligaw nakaka ahon kana sa hirap ate😂😂😂

♬ original sound – Mr. M

Sinakyan naman ng mga netizens ang trip matapos nila payuhan ang nililigawan na sagutin na ang manliligaw.

“apaka loyal nyan ni summer wag mo na pakawalan hahahaha”

“sagutin muna agad hnd k lolokohin nyan loyal yan nag iisa kalang sa puso nyan”

“pogi nyan te, mulhang seryoso sa buhay pero loyal”

“Naka Lacoste pa yan HAHAHНА!”

“wag mo na palagpasen pagkakataon”