Kilig much ang volleyball fans matapos ang mala-Wattpad moment nina ‘KaRa’ sa net

Muling nagpakilig sa volleyball fans ang tambalan na Mika Reyes at Ara Galang o “KaRa” matapos magkaabot ang kanilang mga kamay sa net habang nagwawarm-up bago ang kanilang laban sa PVL.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Layag na layag na naman ang volleyball duo na ‘KaRa’ na binubuo nina Mika Reyes ng PLDT High Speed Hitters at Ara Galang ng Chery Tiggo Crossovers.

Matatandaang dalawa sila sa mga pinakapaboritong volleyball stars simula pa lamang noong bahagi sila ng koponan ng DLSU Lady Spikers sa University Athletic Association of the Philippines o UAAP.

Ngayong nasa magkabilang panig na sila ng net, ganap na ganap pa rin ang charisma at chemistry ng dalawa sa taraflex.

Sa video na pinost ni Jaz LS Salle, isang profile na nakalaan para sa mga volleyball stars ng DLSU, makikitang nag-eensayo ng blocking ang PLDT at Chery, kung saan sumakto pang nag-abot ang mga kamay nina Reyes at Galang.

Natawa na lamang ang dalawa, at kitang-kita sa reaksyon ni Galang ang pagkaaliw. Napangiti na lamang ang teammate ni Reyes na si Jovie Prado.

Dulot ng nostalgic at kilig feels, hindi napigilan ng fans na magcomment tungkol sa naturang tambalan:

“Bakit po hindi niyo naman sinabi na 1hr tong video na to”

“Ihhh😭💚💚💚”

“Kilig n kilig c ara”

“bat parang kinilig si Ara don haha”

“Eto na ba yung tinatawag na block touch?”

Ang iba pang loyal fans mula UAAP days ay hindi napigilang mapa-throwback at maalala ang mga fan fiction tungkol sa dalawa sa Wattpad.

“Yung mga wattpad story tlga ng KARA dati 😅💚💚”

“Kara wattpad 2013 🔥”