Kilig moment ng isang Jollibee mascot sa standee ng SEVENTEEN member na si Wonwoo, kinaaliwan ng netizens

Tuwang-tuwa na naman ang netizens kay Jollibee matapos nitong kiligin sa standee ng K-pop group SEVENTEEN member na si Wonwoo.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Muli nanaman nagbigay saya sa mga netizens ang mascot na si Jollibee matapos itong makunan na nagnanakaw ng yakap at halik sa standee ni Wonwoo, miyembro ng sikat na K-pop group na SEVENTEEN.

Sa TikTok video na pinost ni @nyemski, makikita si Jollibee na lumapit sa standee ni Wonwoo bago magsimula ang birthday party sa isang Jollibee branch at sabay yumakap at humalik sa larawan ng singer.

Kitang-kita din si Jollibee na napaupo sa sobrang saya at kilig sa chance na mayakap at mahalikan ang standee ng K-pop idol.

@nyemski #wonwoo #seventeen #fyp #carat ♬ original sound – Baroy Salaño

Benta naman ang video na ito ni Jollibee sa mga netizens kung saan meron pang kunwaring nainis sa kanya dahil naunahan pa niya ang mga diehard stans ni Wonwoo.

“jollibee may pila dito”

“Luh kinilig! Jabee grabe k na today”

“Ako talaga yung nasa loob ng mascot”

“favorite kita jollibee pero pumila ka pls”

“May pa tiptoe kiss pa syang nalalaman”