Kilig moment ng 2 aso sa gitna ng traffic, kinaaliwan ng mga fur parents

Isang tinginan ng dalawang aso sa stoplight ang naging instant kilig moment para sa fur parents at netizens.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Mapapa-kanta na lang talaga ang fur parents ng “sa isang sulyap mo ay nabihag ako,” dahil sa eksenang parang simula ng isang fur love story.

Sa TikTok video ng Merienda Club, naging bida ang kanilang fur baby matapos makipag-eye contact sa isa pang aso sa kabilang linya ng kalsada habang nasa gitna ng traffic.

Todo kilig at suporta naman ang dalawang fur parents na aliw na aliw sa moment, habang ang dalawang aso ay nagkatitigan na parang unti-unting nade-develop ang feelings.

Hindi man gumalaw ang traffic, umusad naman ang kilig.

@meriendaclub ang blackie at whitey love team #fyp #dogsofttiktok #fypシ #cutedog #foryou ♬ Rated K Theme Song 2007 – Rated K Archives

Tuwang-tuwa rin ang netizens sa comment section na agad nagbigay ng kani-kanilang reaksyon:

“Organic dogcounter 🥵🥵”

“at dahil dyan, need nila ng play date”

“buti pa yung aso magbabagong taon na masaya 😔😔😔”

“Haha ang cute”