Kilig! Liza Dino, may nakakakilig na regalo sa asawang si Ice Seguerra para sa kanyang ika-40 kaarawan

Ginalingan ni Liza Dino ang pasabog para sa kanyang asawang si Ice bilang sorpresa dito.

Sa kanyang ika-40 kaarawan, niregaluhan ni Liza Dino ang kanyang asawang si Ice Seguerra ng isang pangako na nakapaloob sa isang awiting kanyang isinulat para sa kabiyak.

Sa kanyang awitin na may titulong “Your Biggest Fan,” isang makahulugang mensahe ang ibinigay niya kay Ice. Aniya, kahit hindi magningning liwanag ni Ice para sa kanyang mga tagahanga sa lahat ng panahon, siya ay mananatiling nasa tabi nito sa lahat ng oras bigyan ito ng lakas at suporta.

“When you feel alone like no one cares, Look to the crowd and know I am there, Because I’m your biggest fan, you see? And the luckiest one to be called your BABY,” ay ilan sa mga katagang matatagpuan sa lyrics ng kanta.

Nagbaliktanaw din ni Liza sa naging pagsisimula ng kanilang pagtitinginan ni Ice na nauwi sa kasalan. Tiyak na nasorpresa si Ice, na tipikal na sumusulat ng kanta, na siya naman ang binigyan ng awitin ng kanyang maybahay.