‘Keyboard warrior final boss’: Gen Z na-shookt sa typing skills ng isang lola sa isang TikTok viral video

Napabilib ng isang lola na naispatan sa isang computer shop ang Gen Z dahil sa kanyang impressive typing skills.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Naging instant idol ang isang lola para sa Gen Z dahl sa kanyang nakakabilib na typing skills sa isang viral TikTok video.

Sa video na inupload ni Liannie Yap, makikita ang isang lola na nakadaster lang at seryosong nagta-type sa computer sa isang computer shop na para bang sobrang busy sa trabaho. “Keyboard warrior final boss 😎,” ang caption ng uploader.

Agad itong nagpasabog ng reactions online, lalo na nang mapansin ng mga netizens na mabilis at pulido ang bawat pindot ng lolang keyboard warrior. Marami naman ang nagsabi na baka dating stenographer ito bago nagretire o nakasanayan magtrabaho sa typewriter kaya mabilis ang mga kamay nito.

@liannieyap

Keyboard warrior final boss 😎 #fyp

♬ RUN – ZOOMbie

Hindi rin nagpahuli ang iba sa kanilang mga witty comments:

“Yan ‘yung tinatawag nilang fresh grad with 40 years of experience.”

“tumanda lang po siya tingnan dahil sa work pero 21 pa lang siya”

“mas mabilis pa sa crim student eh”

“Yung kamay niya naka uplift pa, starter pack niyan type writer”

“ik a typewriter baddie when i see one”

“Teka- troll ba si nanay? Parang ginagawan ng quote ung picture – nay tlg ba sinabi nya yan? Eme! 😅”

“hinhintay ko yung kamay mag swipe pa kaliwa eh”